2 magkahiwalay na sunog, sumiklab sa northern part ng Metro Manila ngayong umaga

Manila, Philippines – Alas dies pasado ngayong umaga magkasunod na sumiklab ang sunog sa northern part ng Metro Manila.

Sa EDSA pa lamang matatanaw na ang maitim na usok na nag mumula sa C-5 barangay Escopa III, Quezon City.

Ayon sa fire department ng QC nasa ikalawang alarma na ang nasabing sunog na nag simula dakong alas 10:19 ngayong umaga.


Sa bahagi naman ng Valenzuela City particular sa San Simon, Dalandanan, 1st alarm na ang sunog na nagsimula dakong alas 10:34.

Samantala sa mga oras na ito kinukumpirma pa ng Marikina Fire Department ang natanggap nilang tawag na mayroon ding sunog na sa Mindanao St., Malanday, Marikina City.

Kung mag positibo ang sumbong ito ang ang pangatlong sunog na sabay-sabay nangyayari ngayon sa Metro Manila.
DZXL558

Facebook Comments