2 Magkaibigan, Huli sa Drug Buybust Operation!

*Angadanan, Isabela*- Bagsak sa Kulungan ang dalawang magkaibigan matapos mahuli sa isinagawang drug buybust operation ng mga otoridad sa Barangay Dalakip, Angadanan, Isabela.

Nakilala ang dalawang suspek na sina Warren Rosario y Rumbaua, 26-anyos, binata at residente ng P-4 Rizal, Santiago City at Lan Angelo Tabaquero, 23-anyos at residente ng P-6, Bugallon Proper, Ramon, Isabela.

Matapos mamataan ang dalawa sa naturang lugar ay agad na ikinasa ang drug buybust operation ng PNP Angadanan at koordinasyon sa PDEA Region 02 na nagresulta sa pagkahuli ng dalawang magkaibigan.


Nasamsam sa pag-iingat ng dalawa ang dalawang pakete ng pinaniwalaang shabu at limang daang piso na marked money na ginamit ng pulis na nagpanggap na poseur buyer.

Nahaharap sa kasong paglabag sa R.A 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang magkaibigan na pansamantalang nasa kustodiya ng PNP Angadanan.

Facebook Comments