2 Magkaibigan na Nadakip sa Buybust, Nakasuhan na!

77

*Angadanan, Isabela*-Sinampahan na ngayong araw ng kasong paglabag sa R.A 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang dalawang magkaibigan matapos mahuli sa isinagawang drug buybust operation ng mga otoridad sa Barangay Dalakip, Angadanan, Isabela.

Nakilala ang dalawa na sina Warren Rosario y Rumbaua, 26-anyos, binata at residente ng P-4 Rizal, Santiago City at Lan Angelo Tabaquero y Ariloa, 23-anyos at residente ng P-6, Bugallon Proper, Ramon, Isabela.


ito’y matapos mamataan ang dalawa sa naturang lugar kaya’t agad na nagkasa ng drug buybust operation ang PNP Angadanan katuwang ang PDEA Region 02 na nagresulta ng pagkakahuli ng dalawang magkaibigan.

Nakuha sa kanilang pag-iingat ang dalawang pakete ng pinaniwalaang shabu at P500 marked money na ginamit ng pulis na nagpanggap na poseur buyer.

Nasa kustodiya na ng PNP Angadanan ang dalawang nadakip na suspek.

Facebook Comments

From Advertisers