2 magkakasunod na aksidente sa Maynila, nagdulot ng pagsikip ng daloy ng trapiko

Magkasunod na nagkaroon ng aksidente sa ilang bahagi ng Maynila kung kaya’t apektado ang daloy ng trapiko.

Unang naitala ang isang SUV na bumangga sa concrete barrier sa tapat ng Kartilya ng Katipunan kung saan hindi ito namalayan ng driver na papunta sana ng Tondo.

Dahil sa insidente, bumagal ang daloy ng trapiko mula Taft Avenue hanggang Papunta ng Binondo.

Alas-7:25 ng umaga nang sumalpok naman sa pader ng hidden garden ang isang 10-wheeler truck na tapat ng Liwasang Bonifacio.

Kwento ng hindi pa nakikilalang driver, nawalan siya ng preno kung kaya’t iniwasan niya ang mga sasakyan saka bumangga sa pader.

Agad naman naialis ang SUV habang kaksalukuyang hinahatak ang truck kung saan dahil sa insidente, sumikip ang daloy ng trapiko mula Quezon Blvd. hanggang makarating ng Lawton.

Facebook Comments