2 magkapatid na may kasong rape, arestado sa Marikina

Arestado ang magkapatid na lalaki dahil sa umano’y panggagahasa nila sa kanilang pinsan na nakikitira sa kanila nang mangyari ang krimen noong 2012 sa Marikina City.

Ayon kay Police Lieutenant Ramiel Soriano ng Marikina Police, unang nadakip sa bisa ng arrest warrant ang isang suspek.

Matapos na maaresto, itinuro naman niya ang kinaroroonan ng kaniyang kapatid na sunod na dinakip ng mga pulis.


Hindi nagpaunlak ng panayam ang mga suspek pero itinanggi nila ang akusasyon laban sa kanila.

Facebook Comments