2 Magsasaka natagpuang patay sa Mlang North Cotabato

Dalawang bangkay ang natagpuan sa Marshland Area ng Mlang North Cotabato.
Sa impormasyong ipinarating sa DXMY ni North Cotabato PNP Spokesperson Supt. Bernard Tayong dakong 8:40 kaninang umaga ng matagpuang wala ng buhay ang mga magsasakang sina Jessie Samillano Puetes, 54 anyos residente ng BagonTapay na may tama ng bala ng di pa natukoy na uri ng baril sa kanyang ulo at tumagos sa kanyang kanang mata, Roberto Montero, 70 anyos residente rin ng BagonTapay na nagtamo ng multiple gunshot wounds sa kanyang katawan.

Narekober ang mga biktima sa boundaries ng Brgy. Gaunan at Brgy. Dugong. Narekober rin ng mga rumispondeng kapulisan ang bamboo fishing rod na pinaniniwalaang pagmamay-ari ng mga biktima.

Nagpapatuloy ang ginagawang imbestigasyon ng PNP kaugnay sa kaso ng mga biktima.


Facebook Comments