2 MAGSASAKA SA ILAGAN, PATAY SA KIDLAT

CAUAYAN CITY – Kaagad na binawian ng buhay ang dalawang magsasaka mula sa Cabisera katorse-disisai, San Antonio, sa syudad ng Ilagan, matapos na tamaan ang mga ito ng kidlat.

Nakilala ang dalawang (2) biktima na sina Edwin Madduma, 41-anyos; at Wilson Figarola, 55-anyos.

Watch more balita here: HIGIT ISANG LIBONG ISABELEÑO, NABIGYAN NG LIBRENG BIGAS


Sa nakuhang impormasyon ng iFM news team sa PNP Ilagan, kasalukuyan umanong nagsasaka ang isa sa mga biktima na si Madduma nang bigla itong tamaan ng kidlat.

Nagawa pa umano itong maisugod sa pagamutan, ngunit hindi na ito umabot ng buhay.

Samantala, ang ikalawang biktima naman na si Figarola, ay natagpuang nakahandusay at nakitaan ng lightning burns 200 metro lamang ang layo mula sa lugar kung saan unang tinamaan ng kidlat si Madduma.

Facebook Comments