Nangako ang Department of Education (DepEd) hanggang sa buwan ng Agosto ay mapupunan na ang mahigit 20,000 bakanteng posisyon para sa mga guro sa buong bansa.
Sinabi ito ni DepEd Underecretary Wilfredo Cabral sa pagtalakay ng House Committee on Appropriations sa paggastos ng DepEd sa pondo nito.
Ayon kay ACT Teachers Party-list Representative France Castro, taon-taon ay humihingi ang DepEd ng pondo para sa pag-hire ng 10,000 mga guro.
Sagot naman ni Cabral, noong November 2023 ay nag-isyu na ang DepEd ng memorandum sa mga regional directors at superintendents at pinasumite sila ng catch-up plans.
Ayon kay Cabral, sa ngayon ay 30% sa nasabing bakanteng posisyon ng mga guro ang napunan na at naglagay na rin sila ng monitoring system sa lahat ng rehiyon.