2 mangingisda, nasagip ng PCG matapos lumubog ang bangka sa Romblon

 

Nailigtas ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang dalawang mangingisda matapos na lumubog ang kanilang bangka sa karagatan sakop ng Barangay Cantagda, Cajidiocan, Romblon.

Ito’y sa ikinasang search and rescue (SAR) operation kung saan nakilala ang mga mangingisda na sina Edgardo Lozano at Harry Lozano na mga residente ng Barangay Maragondon.

Kuwento ng mga mangingisdang biktima, nabangga sila ng isang butanding habang nasa kalagitnaan ng paglalayag.


Agad na dinala ang dalawa sa Barangay Danao, Cajidiocan habang ang kanilang lumubog na bangka ay nahatak ng bangkang FBCA John Glemen.

Nasa maayos na kalagayan naman ang mga mangingisda at nakauwi na rin sa kanilang pamilya.

Facebook Comments