2 mangingisdang Pinoy, sugatan kasunod ng pagsabog ng isang bangka malapit sa Bajo de Masinloc

Courtesy: Philippine Coast Guard

Sugatan ang dalawang Pilipinong mangingisda matapos sumabog ang makina ng sinakyan nilang bangka malapit sa Bajo de Masinloc o Scarborough Shoal.

Ayon sa Philippine Coast Guard, naganap ang insidente nitong Sabado, bandang 9 a.m.

Dagdag pa ng PCG, sinubukan silang harangin ng China Coast Guard na namataan malapit sa lugar kahit ipinaalam na sa mga ito na may rerespondehan silang emergency.


Gayunpaman, nalapatan pa rin ng paunang lunas ang mga biktima na nagtamo ng 2nd-degree burns.

Sa inisyal na imbestigasyon, posibleng problema sa baterya ang dahilan ng insidente.

Facebook Comments