Nakipagtulungan ang Manila Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) Mines and Geosciences Bureau para tukuyin ang mga lugar sa Maynila na binahaha tuwing malakas ang ulan.
Sa pagpapatuloy ng pagsasagawa ng flood hazard survey, inikot at kumuha ng impormasyon sa mga barangay sa bahagi ng Tondo, mga barangay sa ilalim ng Sta. Cruz, San Nicolas at Quiapo, Maynila ang mga tauhan ng Manila DRRMO at DENR.
Umaabot sa higit 50 mga barangay mula sa limang zone ang nakuhanan na nila ng impormasyon at datos.
Nabatid na layunin ng hakbang na ito ay upang makakuha ng mga datos at impormasyon sa bawat barangay sa ilalim ng Lungsod ng Maynila upang matukoy at mai-update ang mga flood-prone areas.
Matapos nito ay makakapagbigay o makakabuo na ng rekomendasyon sa kung papaano dapat harapin ang mga sakuna o kalamidad na gaya ng pagbaha at landslide.