Ipinag-utos ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang pag-pull out sa dalawang marines na nakatalaga kay Philippine Special Envoy for Public Diplomacy to china Ramon Tulfo.
Ito ay dahil na rin sa kakulangan ng marine personnel na naka-deploy sa forward units sa bansa.
Ayon kay AFP Spokesperson, Marine Brig/Gen. Edgard Arevalo – sinimulan nila ang pag-recall sa mga marine na nakatalaga sa labas ng corps bilang security detail.
Dagdag pa ni Arevalo – ang corps ay nagpadala na ng correspondence sa kani-kanilang principals mula pa noong nakaraang taon para abisuhan ang mga marine sa utos na mag-report pabalik ng headquarters.
Ang Philippine marine corps ay may tinatayang 10,000 tauhan.
Facebook Comments