2 masahista na nag-aalok ng extra service sa Maynila, arestado

169

Bumagsak sa kamay ng Manila Police District – Sta Cruz Police Station ang tatlong therapist na umano ay nag-aalok ng extra service sa kanilang mga customers.

Ang dalawang naaresto ay nakilalang sina Marben Jan Villavicencio at Edwin Fabunan habang pinaghahanap pa ng pulisya si Francis Ambrosio Sy Tan.


Inaresto sina Villavicencio at Fabunan sa pamamagitan ng isang entrapment operations na ikinasa ng mga otoridad sa DL’S Wellness Center, sa Malabon St., Sta. Cruz, Manila.

Kasong pag-labag sa R.A. 9208 o Anti-Trafficking in Persons Act of 2003 ang nakatakdang isampa sa nabanggit na mga suspek.

Facebook Comments