Pagadian City – Naaresto ng pinagsanib na pwersa ng Philipine Nationl Police (PNP) at militar ang dalawang matataas na lider ng New People’s Army (NPA) sa Pagdian City.
Kinilala ang mga ito sina Rosario Delambaca Tabanao alias Wena/ Weng/ Pasing/ Lourdes/ Rowena/ Doris, tumatayong Finance Officer; at Leonardo Jacotin alias Jess/ Mario/ Jasper na tumatayong Logistics Officer.
Ang mga ito ay opisyal ng Western Mindanao Regional Party Committee.
Naaresto ang mga ito matapos ang ginawang joint law enforcement operation bitbit ang search warrant laban sa mga rebelled.
Narekober sa mga ito ang isang piraso ng hand grenade isang kalibre 45 baril, isang magazine, walong rounds ng ammunitions, 50 rouns ng AK47 ammunitions, sampung piraso ng ibat ibang ID at labing pitong piraso ng ibat ibang cellphone.