2 matataas na opisyal ng PNP, binalasa

Nagpalitan ng pwesto ang dalawang matataas na opisyal ng Pambansang Pulisya.

Sa unit reassignment na pirmado ni PMGen. Constancio Chinayog, Director for Personnel and Records Management, itinalaga si PLtGen. Bernard Banac bilang bagong hepe ng Office of the Deputy Chief for Administration (OTDCA) mula sa Area Police Command – Western Mindanao.

Habang si PLtGen. Jose Melencio Nartatez na pinuno ng OTDCA ang sya nang bago ngayong hepe ng Area Police Command – Western Mindanao.

Epektibo ang balasahan sa 2 opisyal ngayong araw, Aug. 6, 2025.

Ayon sa pamunuan ng PNP, layon ng reorganisasyon na palakasin ang operasyon at mas lalong paghusayin ang serbisyo sa publiko.

Facebook Comments