2 Menor de Edad, Arestado sa kasong Pagnanakaw!

105

*Cauayan City, Isabela- *Huli ang dalawang binatilyo na may kasong Robbery matapos na isilbi ang kanilang warrant of arrest sa Brgy. Sandiat West, San Manuel, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan mula sa Isabela Police Provincial Office (IPPO), hinuli sa bisa ng warrant of arrest ang dalawang 16 anyos na akusado na itinago sa pangalang “Junior” at “Mark” na kapwa residente ng Brgy. Sandiat West, San Manuel, Isabela.


Ang dalawang akusado ay nahaharap sa kasong Robbery na may inrekomendang piyansa na tig dalawamput apat na libong piso (P24,000.00) para sa kanilang pansamantalang kalayaan.

Samantala, naglabas rin ng mandamiento de aresto si hukom Ramorelia P. Lodriguito- Caranay ng 13th MCTC San Manuel- Aurora, San Manuel, Isabela laban kay “Junior” dahil sa kasong Acts of Lasciviousness na may inirekomendang piyansa na P36,000.00.

Dinala na sa himpilan ng PNP San Manuel ang mga akusado para sa tamang disposisyon.

Facebook Comments