2 menor de edad, arestado sa pagnanakaw sa eskwelahan sa Calauan, Laguna

Calauan, Laguna – Arestado ang dalawang menor de edad na suspek sa pagnanakaw sa Calauan, Laguna.

Nabawi mula sa mga hindi na pinangalanang suspek ang anim na libong pisong ninakaw nila mula sa cashier’s office ng isang eskwelahan sa Barangay Silangan noong Miyerkules.

Ayon sa mga pulis, gumamit ng screw driver ang mga suspek para masira ang padlock ng opisina.


Napag-alaman naman na may mga nauna nang record sa barangay ang dalawa.

Dinala na sila sa kustodiya ng Department of Social Welfare and Development.

Facebook Comments