2 menor de edad, arestado sa pagnanakaw

Navotas City – Ipina-aresto ng isang lalaki ang dalawa nitong pamangkin na menor de edad matapos siyang paulit–ulit na pagnakawan sa Navotas City.

Inireklamo ng 32-anyos na biktima ang kaniyang mga pamangkin na may edad 16 at 17 matapos nakawin ng mga ito ang kaniyang bluetooth speaker.

Ayon kay Senior Superintendent Ram Haveria, hepe ng Navotas police, napag-alaman nila na ilang beses na siyang pinagnanakawan ng dalawa ang kanilang tiyuhin.


Aniya, sa droga napupunta ang perang kinikita ng dalawa sa mga ninakaw.

Nahaharap ang dalawang menor de edad sa kasong theft.

Pero dahil mga menor de edad, mananatili muna ang mga ito sa Bahay Pag-asa sa Navotas.

Facebook Comments