2 menor de edad nalunod at namatay sa Surigao City

1983

2 menor de edad nalunod at namatay sa karagatan ng Brgy. Day-Adan, Surigao City. Kinilala ang mga namatay na sina Hiendrich Kym Garcia Acedera, 7 taong gulang, naninirahan sa Purok-2, Brgy. Poblacion, Sison, Surigao del Norte, at Ivelrose Ferry Padel, 6 taong gulang, estudyante at mula sa Sitio Panobigon, Brgy. Lipata, Surigao City. ​Sa sumbong ng isang Herbert Jun Lumpay Acedera, tatay ng namatay na si Hiendrich Kym, diumano’y sakay sila ng motor banca papuntang Brgy. Day-asan proper nang aksidenteng tumaob ang bangka. ​Sa salaysay naman ni Roel Añura Macalolot, may-ari ng motor banca, kasama ang operator na si Frodie Ambio Lubrio, diumano’y dumaong sila sa Isang cottage para sa paghatid ng mga pasahero sa Brgy. Day-asan nang sakay na ang mga ito kasama ang 2 menor de edad isang Paul Balabala na nakainom ang pabalik-balik na tumalon sa dagat kahit na sinaway pa ni Lubrio. Bigla na lamang tumayo si Balabala at nabali ang kanang katig kaya bumaliktad at nalunod ito. Sa ngayon, ang bangkay ng dalawang bata ay inilagak sa isa sa mga funeral homes sa Surigao City.

Facebook Comments