2 menor de edad patay matapos sumabog ang napulot na granada sa Rajah Buayan

Dead on the spot ang isang 12 anyos na bata habang binawian ng buhay sa pagamutan ang isa pang 14 anyos na binatilyo matapos masabugan ng napulot na Granada sa Brgy. Sampao Rajah Buayan pasado alas dose kahapon ng tanghali.
Sa panayam kay Mayor Jack Ampatuan, naghahaunting ng ibon ang dalawang bata ng may mapulot na Granada, sa dimalamang rason sumabog ito resulta ng kamatayan ng mga ito.
Kinilala ang mga nasawi na si Nashruddin Utto at Edris Guiaman.
Malaki ang paniniwala ng alkalde na maaring mga naiwan o hindi sumabog na explosive ng mga nagdaang bakbakan ang natagpuan ng mga bata.
Kaugnay nito, muling nagpaalala si Mayor Ampatuan sa kanyang mga kababayan na agad na makipag-ugnayan sa mga otoridad sakaling may makita o matagpuang mga kahalintulad na expolsibo.
CCTO PIC

Facebook Comments