2 Menor De Edad, Patay matapos Sumalpok sa Dump Truck ang Sinasakyang Kolong-Kolong

7604

*Cauayan City, Isabela*- Agad na binawian ng buhay ang dalawang menor de edad matapos bumangga ang kanilang sinasakyang kolong-kolong sa isang dump truck bandang 3:15 ngayong hapon sa pambansnag lansangan ng Brgy. San Placido, Roxas, Isabela.

Nakilala ang mga nasawing biktima na sina Hanz Charlie Viado, 16 anyos, Grade 10 student at backrider nito na si Jhonrence Esquivel, 16 anyos na kapwa residente ng Brgy. Rizal, Roxas, Isabela.


Kinilala ang suspek na drayber ng Isuzu Dump Truck na si Danilo Anog, 49 anyos at residente ng Brgy. Sinamar, Roxas, Isabela

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ni PMAJ. Engelbert Bunagan, Hepe ng Roxas Police Station, binabagtas ni Anog ang lansangan patungong kanlurang direksyon ng biglang umagaw umano ng linya ang kolong-kolong na minamaneho ni Viado at nasalpok ang kaliwang harapang bahagi ng truck mula sa kabilang linya na nagresulta ng salpukan ng dalawang behikulo.

Lumabas pa sa imbestigasyon na nagtamo ng matinding sugat sa ulo ang mga biktima na dahilan ng agad nilang pagkamatay.

Napag-alaman pa sa mga magulang ng biktima na tinakas lang ang kolong-kolong upang maglaro ng basketball.

Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng pulisya ang suspek habang inihahanda na ang kasong isasampa laban dito na Reckless Imprudence resulting in Double Homicide and Damage to Property.

Facebook Comments