2 MILISYANG BAYAN, SUMUKO SA MILITAR; ARMAS, GRANADA, NAREKOBER

Cauayan City, Isabela- Kumalas na sa kilusan ng New People’s Army (NPA) ang dalawang (2) milisyang bayan matapos ang kanilang pagsuko kamakailan sa kasundaluhan ng 98th Infantry (MASINAG) Battalion sa bayan ng San Mariano, Isabela.

Boluntaryo siyang sumuko kasabay ng pagturo sa kinaroroonan ng kanyang nakatagong baril na isang M653 Rifle sa Sitio Diwagden, Barangay Disulap, San Mariano na nasa kustodiya ni Alyas Roderick, 65 taong gulang, na ilang taon rin naging tagasuporta ng mga Komunistang Teroristang Grupo sa nasabing bayan.

Ayon kay Alyas Roderick, ang nasabing mga granada at bala ay pinatago umano ng mga Komunistang Teroristang Grupo noong taong 2019 upang gamitin laban sa mga kasundaluhan na papasok sa kanilang lugar at gawing pangunahing sangkap para sa paggawa ng Improvised Explosive Device o IED kapag papasok ang mga tropa ng militar o kapulisan.


Pero dahil sa takot at pangamba, naisipan ni Roderick na isuko na lamang ang mga ito sa mga kasundaluhan at tuluyan ng magbalik-loob sa pamahalaan.

Samantala, boluntaryo rin sumuko sa 98th IB ang isang alyas FED, 26 taong gulang sa Sitio Nursery, Barangay Disulap, San Mariano Isabela nitong ika-31 ng Agosto 2021 bunga na rin ng patuloy na pagpapatupad ng EO #70 o End Local Communist Armed Conflict (ELCAC) ng kasundaluhan at kapulisan ng San Mariano.

Sa mismong pagsuko ni alyas FED, itinuro din nito ang kinaroroonan at pinagtaguan ng isang mataas na kalibre ng baril na M653 Rifle.

Ikinagalak at pinuri naman ni Lieutenant Colonel Abraham M Gallangi JR INF (GSC) PA, Commanding Officer ng 98th IB ang naging desisyon ng dating tagasuporta at dating miyembro ng Yunit Milisya ng Teroristang Grupo sa kanilang pakikipagtulungan at pag-alis sa armadong pakikibaka.

Facebook Comments