2 Militia ng Bayan, Bolutaryong Sumuko sa mga Awtoridad sa Isabela

Cauayan City, Isabela- Dalawa pang Militia ng Bayan na miyembro ng Sangay Partido Lokalidad ang sumuko sa pamahalaan sa Bayan ng San Mariano, Isabela.

Kinilala ang sumuko na si alyas John Doe, residente ng Sitio Kurawitan, Brgy. Binatug, San Mariano, Isabela.

Sumuko si Doe pasado 10:00 ng umaga nitong Sabado, Hunyo 6, sa 4th Maneuver Platoon, 1st IPMFC Brgy. Malabbo, San Mariano, Isabela, intel operative’s ng 1st IPMFC, 2nd IPMFC, PIU-Isabela PPO, 4th Maneuver Platoon, 1st IPMFC, San Mariano PS, at 95IB.


Ipinasakamay din nito ang ilang armas sa mga awtoridad habang sumasailalim ito sa AFP Community Support Program (CSP) based in Brgy. Disulap sa nasabing bayan.

Samantala, sumuko din si alyas Pedro, 33-anyos at residente Purok 7, Sitio Dibilisawan, Brgy. Sta Isabel, Jones, Isabela.

Si alyas Mike ay dating miyembro ng CFC (2011-2014) and watch list personality #33, Central Front Committee (CFC), KR-CV 1st QTR 2020 PSRTG.

Batay sa salaysay ng dating rebelde, tumakas ito noong September 2014 sa kanyang grupo dahil sa hirap na kanyang dinaranas habang taong 2018 ng pasukin nito ang iba’t ibang trabaho sa Nueva Ecija hanggang sa nagdesisyong bumalik ito sa Bayan ng Jones at mamuhay bilang magsasaka.

Sa ngayon ay nasa pangangalaga ng 86 Infantry Battalion ang nasabing dating rebelde para sa kaukulang disposisyon.

Facebook Comments