2 Militia ng Bayan na Miyembro ng ‘Romeo Aytona ‘sa Rizal, Cagayan, Sumuko sa Awtoridad

*Cauayan City, Isabela*- Boluntaryong isinuko ang mga sarili sa awtoridad ng dalawa Militia ng Bayan na miyembro ng grupong ‘Romeo Aytona’ mula sa Probinsya ng Cagayan.

Kinilala ang dalawang sumuko na sina alyas Pedro at Mario na kapwa residente ng Brgy. Masi, Rizal, Cagayan.

Sa panayam kay P/Capt. Jovencio Calagui, Hepe ng PNP Rizal, kapwa inuutusang bumili ng mga pagkain ng kanilang grupo ang tungkulin ng dalawang dating miyembro ng NPA.


Ayon pa sa hepe, batay umano sa salaysay ng dalawa ay nagpapagala gala ang kanilang grupo sa lugar na binansagang ‘Sinundungan Valley’

Tinatayang nasa humigit kumulang dalawampung (20) katao ang kabilang sa kanilang grupo.

Patunay lamang aniya ito na nagkakaroon na ng positibong pananaw ang ilang indibidwal na kabilang sa mga rebeldeng drupo dahil sa mahigpit na kampanya ng pamahalaan para wakasan ang insurhensiya sa bansa.

Isasailalim naman ang dalawa sa programa ng gobyerno na Enhanced-Comprehensive Local Integration Program o E-CLIP.

Facebook Comments