2 million doses ng Sinovac vaccines, dumating sa Pilipinas kagabi

Karagdagang 2 milyong doses ng Sinovac vaccines ang dumating sa bansa na binili ng Pilipinas mula sa China.

Alas-7:20 kagabi, dumating sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 2 ang mga bakuna sakay ng Flight PR359.

Personal itong sinalubong ni vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr.


Mapupunta sa NCR Plus ang isang milyong doses ng bakuna habang sa probinsya ipapamahagi ang natitira.

Ngayong araw, nakatakdang dumating din sa Pilipinas ang 578,000 doses ng AstraZeneca vaccine at 15,000 doses ng Sputnik V Component 2 vaccine.

Facebook Comments