2 milyon nakilahok sa mass protest sa HK, iniwang malinis ang daan

Matapos maalarma sa kontrobersyal na extradition bill–panukalang ipadala ang mga suspek sa krimen sa mainland China at doon litisin–nagsagawa ng malawakang protesta ang mga residente sa Hong Kong.

Tinatayang dalawang milyong mamamayan ang nagsama-sama sa dating British Crown colony upang ipanawagan ang pagbabasura ng nasabing bill at pagreresign ni Carrie Lam, chief executive ng Hong Kong.

Bunsod nito, marami ang humanga at nagpabatid ng suporta sa mga taga-Hong Kong.


Ngunit hindi lang pagkakaisa at paninindigan ang kapuri-puri sa kanila, dahil kinabiliban din ang kanilang disiplina matapos linisan ang lugar na pinagtipunan.

Hindi rin naging sagabal ang mga tao sa mga dumadaang sasakyan, ayon sa mga ulat.

Kumakalat ngayon sa social media ang iba’t-ibang larawang nagpapakita ng malinis at walang kakalat-kalat na daan kung saan naganap ang protesta.

Facebook Comments