2 milyong bag ng binhi, ibibigay sa mga magsasaka

Magbibigay ng binhi ang Department of Agriculture (DA) sa rice farmers ngayong taon.

Ito ay bahagi ng hakbang para tulungan ang mga magsasakang apektado ng maluwag na rice trade sa ilalim ng rice tariffication law.

Ayon kay Agriculture Secretary William Dar – handa nang ipamahagi ang dalawang milyong bags ng rice seeds na nasa 20 kilo kada bag sa ilalim ng rice competitiveness enhancement fund.


Ang dalawang milyong bag ng rice seeds ay katumbas ng isang milyong ektaryang palayan.

Bawat magsasaka ay makakatanggap ng binhi sa dalawang magkakasunod na cropping season hanggang December 2020 at mayroon silang hanggang apat na bag ng inbred seed depende sa farm size para sa October hanggang December planting season.

Isasailalim din ang mga magsasaka sa technical briefings patungkol sa seed preparation at iba pang interventions at technologies mula sa Philippine Rice Research Institute.

Ang mga lokal na pamahalaan ay tutulong sa seed delivery inspection at pangangasiwaan ang seed distribution.

Facebook Comments