2 milyong bakuna, darating sa Pilipinas ngayong buwan – Roque

Karagdagang dalawang milyong bakuna ang darating sa Pilipinas ngayong buwan kasabay ng pagpapaigting ng libreng immunization campaign.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ang darating na COVID-19 vaccines ay mula sa Sinovac Biotech ng China at Gamaleya Research Institute ng Russia.

Aniya, 1.5 million doses mula sa Sinovac at 500,000 na Sputnik V.


Nasa 922,898 vaccines na ang nagamit sa inoculation drive.

Sinabi ni Roque na ang mga paparating na bakuna ay napag-usapan ng ilang miyembro ng gabinete.

Tinalakay rin ang ibang isyu tulad ng hazard pay para sa health frontliners at planong debit-credit payment method sa mga ospital.

Facebook Comments