2 MILYONG BAKUNA, NAITUROK SA ILOCOS REGION

Umabot na sa dalawang milyong bakuna ang naiturok sa Region 1, ayon sa Department of Health-Center for Health Development 1.

Nasa 2, 005, 352 na bakuna na ang naiturok sa mga residente ng rehiyon ayon kay Dr. Rheuel Bobis, ang COVID-19 focal person.

Sinabi ni Dr. Bobis, masaya ito na naabot na ang ‘2-Million mark’ sa COVID-19 Vaccination Program sapagkat target ng ahensya na sa pagtatapos ng taon ay maabot nito ang 70% na herd immunity.


Dahil sa pagdating ng bulto-bultong bakuna sa rehiyon nakatakdang dagdagan ang mga vaccinator at vaccination team sa kada probinsiya upang mas mapataas pa ang bilang ng maaaring bakunahan kontra COVID-19.###

Facebook Comments