2 milyong doses ng Sinovac, inaasahang darating mamayang hapon sa NAIA

Inaasahan na darating mamayang hapon ang Philippine Airlines (PAL) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2, lulan ang karagdagang 2 million doses ng Sinovac vaccines na bahagi ng binili ng gobyerno sa China.

Una rito, dumating kanina ang karagdagang 502,000 doses ng AstraZeneca vaccines sa NAIA.

Alas-9:15 ng umaga kanina lumapag ang China Airlines flight 701 sa NAIA Terminal 1 via Taipei, lulan ang mga naturang bakuna.


Dadalhin ang mga naturang bakuna sa PharmaServ Cold Storage Facility sa Marikina City.

Facebook Comments