2 MILYONG PISO, INILAAN NG DA PARA SA LOKAL NA MAGSASAKA AT MANGINGISDA SA DAGUPAN CITY

Naglaan ng ₱2 milyong pondo ang Department of Agriculture (DA) para sa pagpapatupad ng Kadiwa ng Pangulo sa Dagupan City.

Ang tseke ay naibigay sa lokal na pamahalaan noong Oktubre 17 at opisyal na inanunsyo sa flag-raising ceremony nitong Lunes.

Ayon sa City Agriculture Office, gagamitin ang pondo para sa pagbili ng pangserbisyong sasakyan na magsisilbing mobile market ng mga produktong tulad ng bigas, gulay, karne, isda, at iba pang lokal na ani.

Inaasahang masisimulan ang programa sa unang bahagi ng 2026 matapos maisagawa ang mga kinakailangang preparasyon.

Samantala, inanunsyo rin ng ahensya na magsasagawa ng Kadiwa sale sa lungsod mula Oktubre 27 hanggang 29, kung saan tampok ang P20 rice para sa mga kabilang sa vulnerable sectors.

Facebook Comments