2 Mister, Kulong sa Pagbebenta ng Droga Habang Naka-Quarantine!

Cauayan City, Isabela- Hindi nakaligtas sa kamay ng mga alagad ng batas ang dalawang lalaki matapos na madakip sa inilatag na drug buybust operation ng pulisya sa Brgy. Diamantina, Cabatuan, Isabela.

Ang mga suspek ay nakilalang sina Freddie Castanos, 40 taong gulang, may-asawa, drayber, residente ng brgy. Del Pilar, at Reynaldo Herman, 54 taong gulang, may-asawa, construction worker, residente naman ng brgy. Lapaz, ng parehong bayan ng Cabatuan.

Bagamat umiiral ang Enhanced Community Quarantine ay nagawa pa rin magbenta ng droga ng dalawang suspek na nagresulta sa kanilang pagkakahuli.


Nabili ng isang poseur buyer mula kay Castanos ang isang (1) piraso ng hinihinalang shabu at nakuha sa pag-iingat nito ang buybust money na Php1,000.00.

Narekober din mula kay Castanos ang dalawang (2) piraso ng sachet ng shabu habang isang (1) sachet ng droga naman ang nakuha mula sa pag-iingat ni Herman.

Nasa kustodiya ngayon ng PNP Cabatuan ang dalawang suspek na mahaharap sa kaukulang kaso.

Facebook Comments