Arestado ng National Bureau of Investigation (NBI) ang dalawang miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) sa magkahiwalay na operasyon sa Pasay City.
Kinilala ni NBI Officer-in-Charge (OIC) Director Eric Distor ang dalawang subjects na sina Jamar Ibi a.k.a. “Bas” at Raden Jamil a.k.a. “Tamiya”.
Sila ay kapwa sangkot sa Jehova’s Witness Kidnapping incident noong 2002 sa Patikul, Sulu at may kasong Kidnapping and Serious Illegal Detention with Ransom.
Ilang araw munang nagsagawa ng surveillance operations ang NBI bago nagkasa ng pagsalakay.
Facebook Comments