2 miyembro ng Abu Sayyaf Group na sangkot sa kidnapping at iligal na droga, napatay ng mga awtoridad sa sagupaan sa Tawi-Tawi

Patay ang dalawang miyembro ng Abu Sayyaf Group matapos ang pinagsanib na operasyon ng Militar at Pulisya sa Tawi-Tawi kahapon.

Ang mga nasawi ay nakilalang si Jul Haber na mas kilala sa alyas na ‘Black Shabu’ at ‘Toks’ gayundin si Kamsel Ampang.

Ayon kay Western Mindanao Command Spokesman Major Arvin Encinas, nasawi ang dalawa sa Brgy. Taruk, bayan ng Tandubas, kung saan nakipagbarilan sila sa mga sundalo at pulis na tumagal ng 10 minuto.


Narekober sa dalawag nasawing bandido ang matataas na kalibre ng armas, granada, ilang pakete ng hinihinalang shabu at ilang drug paraphernalia.

Sinasabing sangkot ang dalawa sa iba’t ibang Kidnap for Ransom activities maging sa pagtutulak ng iligal na droga sa nabanggit na lugar at mga kalapit na lugar.

Dinala ang labi ng dalawa sa Tandubas Municipal Police Station upang mailibing nang maayos ng kanilang mga kamag-anak.

Facebook Comments