Manila, PHilippines – Iniharap ng NBI sa media ang dalawang miyembro ng Abu Sayyaf na naaresto sa Zamboanga City.
Kinilala ang mga ito na sina Harub Jaljalis alyas Indal at Pinky Ani Hadjinulla na pawang may kasong multiple counts ng kidnapping at serious illegal detention.
Sina Jaljalis at Hadjinulla ay sangkot sa Golden Harvest kidnapping incident noong 2001.
Ayon kay Atty. Raoul Mangguera ng NBI-Anti Terrorism Division ,si Harub Jaljalis ay gumagawa ng bomba para sa Radullan Sahiron faction ng Abu Sayyaf.
Si Jaljalis ay kapatid ng naarestong Abu Sayyaf member na si Isjanir Saccam Aminudin alyas Abu Fatima.
Ina-alam na ng NBI kung sangkot ang dalawa sa planong pambobomba sa Western Mindanao Region.
Facebook Comments