2 miyembro ng Daula Islamiyah, patay; 1 sundalo, patay sa engkwentro sa Ampatuan, Maguindanao kahapon

Nasawi ang 2 miyembro ng teroristang grupo na Dawlah Islamiyah matapos makaengkwentro ng Joint Task Force Central sa Barangay Salman, Ampatuan, Maguindanao kahapon.

Sa report ng Western Mindanao Command, nagsasagawa ng surgical operations ang JTF Central sa lugar nang makaharap ang hindi matukoy na bilang ng armadong grupo na nasa ilalim ng pamumuno ni Salahudin Hassan.

Nakuha sa pinangyarihan ng engkwentro ang isang sniper rifle, isang M14 rifle at mga pampasabog.


Samantala, iniulat din ng WESTMINCOM na 1 sundalo naman ang patay at 1 sugatan sa engkwentro.

Nagpapatuloy ngayon ang pagtugis ng mga militar sa tumakas na mga terorista.

Nagpapagaling naman ang sugatang sundalo sa Camp Siongco Hospital.

Facebook Comments