2 miyembro ng gabinete, kinumpirma ng PACC na dawit sa korupsyon matapos sumailalim sa ilang buwang imbestigasyon

435

Manila, Philippines – Dalawang miyembro ng gabinete ang kinumpirma ngayon ng Presidential Anti- Corruption Commission (PACC) na positibong dawit sa korupsiyon.

Ayon kay PACC Commissioner Greco Belgica, ito ang lumabas sa kanilang ginawang imbestigasyon sa dalawang miyembro ng gabinete na hindi na muna pinangalanan.


Nasa tanggapan na ani Belgica ng Office of the President ang kanilang full report na kanilang isinumite bago mag-Undas.

Bahala na aniyang ang Pangulong Duterte ang mag-anunsiyo sa kung sino ang dalawang cabinet members na kanilang nakitaan na may kinalaman sa katiwalian matapos ang ilang buwang imbestigasyon.

Bukod dito ay una na ring sinabi ni belgica na may undersecretary at assistant secretary din silang sinisiyasat na may kinalaman naman sa labis na pagbiyahe biyahe sa labas ng bansa.

Facebook Comments

From Advertisers