2 miyembro ng local terrorist group, sumuko sa PNP sa Maguindanao

105

Kusang loob na sumuko sa tropa ng pamahalaan ang dalawang miyembro ng local terrorist group.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) Chief General Debold Sinas, ang mga sumukong terorista ay kinilalang sina alyas Dindin at alyas Monta, sila ay mga dating miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa pamumuno ni Commander Gantang Sanoy alyas Commander Cosme ng Karialan faction.


Sila ay sumuko sa Police Regional Office – Bangsamoro Autonomous Region sa Camp BGen. Salipada Pendatun, Parang, Maguindanao matapos ang negosasyon.

Isinuko rin ng mga dating BIFF ang isang caliber .50 barrett sniper rifle na may isang live ammunition.

Panawagan naman ni Sinas sa mga local terrorist group na sumuko na rin sa pamahalaan para makapagbagong-buhay.

Facebook Comments