2 miyembro ng Maute group, sumuko sa militar sa Butig, Lanao del Sur

Kinumpirma ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang pagsuko ng dalawang miyembro ng Maute-ISIS terrorist group.

Nananatili ngayon sa kampo ng militar sa butig, Lanao del Sur sina alyas “Ashlani”, 34-anyos at “Hussein”, 17-anyos.

Ayon kay Lt. Col. Edgar Allan Villanueva, Commanding Officer ng 49th infantry battalion – sumuko ang dalawa dahil sa takot na ma-target sila ng militar.


Nabatid na na-train ng teroristang grupo sina Ashlani at Hussein sa Barangay Sandab sa bayan ng butig noong 2013.

Una rito, nakubkob ng militar ang kampo ni Abu Dhar, ang tumatayong kapalit ng nasawing Maute brothers.

Ito ay makalipas ang sampung oras na engkwentro kung saan tatlong miyembro ng Maute-ISIS group ang nasawi, at tatlong sundalo ang nasugatan.

Facebook Comments