2 Miyembro ng PH Coast Guard, Pinagbawalang Makapasok sa Cagayan

*Cauayan City, Isabela*- Pinagbawalang makapasok ang dalawang (2) miyembro ng Philippine Coast Guard sa quarantine checkpoint na inilatag ng Cagayan Police Provincial Office (CPPO) sa Barangay Roma, Enrile, Cagayan.

Ayon kay PMAJ. Lourvinn Layugan, Hepe ng PNP Enrile, may travel history sa Metro Manila ang dalawang kawani ng coast guard na bibisita sana sa kanilang mga miyembro ng pamilya.

Una nang nagpakita ng dokumento ang dalawa na nagsasaad na sila ay pinayagan na makauwi sa kabila ng banta ng corona virus (COVID-19) sa bansa.


Dagdag pa ng opisyal na naging rason ng dalawa ay upang bisitahin ang ina na nasa isang pribadong pagamutan habang ang isa naman ay bibisita sa kanyang bagong panganak na asawa sa Bayan ng Camalaniugan.

Bilang tugon sa kautusan, minabuti ng pulisya na isailalim pa rin sa ilang paraan ng paniniguro na wala itong dalang sakit kaya’t kinailangan na sumailalim ang mga ito sa 14-day quarantine sa panrehiyong tanggapan ng pulisya.

Nananatili ang Probinsya ng Cagayan sa ‘zero case’ matapos ang labinlimang araw.

Facebook Comments