2 miyembro ng private armed groups ng Bise Alkalde at Alkalde ng Datu Montawal Maguindanao, patay sa operasyon ng PNP

Nasawi ang dalawang miyembro ng Private Armed Group nina Datu Montawal Maguindana Vice Mayor Otho Montawal matapos ang ikinasang operasyon ng mga Tauhan ng PNP ARMM AT CIDG sa Brgy. Talapas Datu Montawal.

Ayon kay PNP ARMM Spokesperson Police Senior Inspector Jemar Delos Santos, alas 2 ng madaling araw kanina bitbit ang search warrant, sinalakay ng mga pulis ang lugar na kinaroroonan nina Datu Montawal Maguindana Vice Mayor Otho Montawal dahil sa mga kasong may kinalaman sa iligal na droga.

Pagdating sa lugar ay agad na nagkaroon ng palitan ng putok na nagtagal ng isang oras.


Sa sagupaan, nasawi ang dalawang lalaki na kabilang sa Montawal PAGS, naisugod pa ang mga ito sa ospital pero ideneklarang dead on arrival.

Nakuha sa pinangyarihan ng sagupaan ang matataas na kalibre ng armas at mga pampasabog.

Nakatakas naman sina Montawal Mayor at Vice Mayor na target ng search warrant.

Facebook Comments