2 miyembro ng SCAA sugatan sa bakbakan sa Agusan del Norte

Matapos binihag ng New Peoples Army o NPA ang tatlong cafgu sa San Miguel Surigao del Sur sa nakaraang araw, kahapun 2 miyembro na naman ng Special Civilian Armed Forces Geographical Unit Active Auxilliary (SCAA) ang sugatan matapos ma-engkwentro ng tropa ng 29th IB Philppine Army ang grupo ng NPA ng guerilla front-16A sa Sitio Tagbuaya, Brgy. Bangonay, Jabonga, Agusan del Norte.
Kinilala ni Lt. Col. Glenn Joy Aynera 29th IB Phil. Army Commander ang dalawang sugatang SCAA na sina Diego Buron at Wilmar Lindayao na patuloy pang ginagamot ngayon sa ospital.
Sa ngayon patuloy pa rin ang military operation sa lugar. (By: Ivy Falcone)

tags; RMN Networks, DXBC 693, Diretso Balitang Butuan, Ivy Falcone, NPA, AFP


Facebook Comments