2 MMDA enforcers sa viral extortion video, sinibak na sa serbisyo

Tuluyan nang sinibak sa serbisyo ng pamunuan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang dalawang traffic enforcers nito na nasangkot sa pangongotong sa isang motorista.

Sa nilabas na desisyon ng MMDA, guilty sina Edmon Belleca at Christian Malemit sa reklamong extortion at grave misconduct.

Una nang nakunan ng video sina Belleca at Malemit na ini-upload ng motoristang si Miriel Custodio.


Hiningan aniya siya ng mga ito ng ₱1,000 na bribe money kapalit ng hindi paghuli sa kanya sa Republic Act 10913 o Anti-Distracted Driving Act and Reckless Driving.

Bago pa ang dismissal, inilagay muna sa preventive suspension ang dalawa bilang bahagi ng administrative procedure.

Bukod sa pagsibak sa kanila sa serbisyo, sasampahan din ang mga suspek ng kasong criminal.

Bibigyan naman ng MMDA ng legal assistance ang biktima sa paghahain nito ng reklamo.

Facebook Comments