2 Most Wanted sa Kasong Rape sa Isabela, Natimbog!

108

Cauayan City, Isabela- Matagumpay na naaresto ng otoridad ang itinuturing na Top 2 at 3 most wanted person municipal level sa Brgy. Calamagui North, Sta. Maria, Isabela.


Ang top 2 most wanted person ay nakilalang si Miterio Fontiveros, 20 anyos, binata, jobless habang ang Top 3 Most wanted ay si Romel Baui, 30 anyos, binata at kapwa residente ng Brgy. Calamagui North ng naturang bayan.

Inaresto ang dalawang akusado sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni hukom Felipe Jesus Torio III Regional Trial Court Branch 22, Cabagan, Isabela.

Nahararap sa kasong rape o panggagahasa ang dalawang wanted persons at posibleng hindi na makalabas ng kulungan dahil walang inirekomendang piyansa ang korte para sa kanilang pansamantalang kalayaan.

Facebook Comments