2 Motorsiklo, Sinalpok ng Sasakyan; Isa Patay

57

Cauayan City, Isabela- Patay ang isang lalaki habang sugatan ang isa pang drayber ng motorsiklo matapos mabangga ng kasalubong na sasakyan sa kahabaan ng Brgy. Marana 3rd, City of Ilagan, Isabela.

Kinilala ang nasawi na drayber ng motorsiklong may plakang 1697 OW na si Danilo Dela Cruz, 55 anyos, construction worker at residente ng Centro San Antonio, City of Ilagan, Isabela.


Sugatan naman ang isa pang sakay ng motorsiklo na may plakang BE 17922 na si Ignacio Baysac na residente rin ng barangay San Antonio.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, parehong bumabaybay sa lansangan patungong North direction ang dalawang sakay ng motorsiklo.

Nang makarating sa pinangyarihan ng insidente ay napunta sa kanilang linya ang kasalubong na Toyota na may plakang CAT 5397 na minamaneho ni Leandro Laddaran.

Dahil dito, sumalpok ang dalawang motorsiklo sa kasalubong na sasakyan at tumilapon sa kalsada.




Parehong nagtamo ng mga sugat sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang dalawang drayber ng motorsiklo na agad namang naisugod sa ospital subalit idineklarang dead on arrival si Dela Cruz.

Nakalabas din ng ospital ang isa pang sakay ng motorsiklo na si Baysac matapos na mabigyan ng kaukulang lunas.

Patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya hinggil sa naturang insidente.

Facebook Comments