2 mula sa 175 Empleyado ng Kalinga PLGU, Positibo sa COVID-19

17

Cauayan City, Isabela- Nagpositibo sa COVID-19 ang 2 katao mula sa 175 na empleyado ng Provincial Government ng Kalinga matapos lumabas ang resulta sa isinagawang Aggressive Community Testing.

Base sa ulat ng Kalinga Provincial Health Office, ang dalawang empleyado ng PLGU ay mula sa Provincial Health Office at Office of the Provincial Agriculture Services na kasalukuyang nakasailalim na sa isolation facilities.


Nasa kabuuang 266 employees ng PLGU ang nakibahagi sa ginawang pagsusuri nitong Pebrero 19 at 24 na pinangunahan ng Bases Conversion and Development Authority (BCDA) team sa pakikipagtulungan ng Office of Civil Defense- CAR Regional, CAR-CHD at ang Kalinga PLGU.

Facebook Comments