Deklarado na bilang insurgency free ang munisipalidad ng General Nakar at Infanta, Quezon.
Ito’y sa pamamagitan ng isinagawang ceremonial signing ng Memorandum of Understanding sa General Nakar Municipal Hall at Infanta Municipal Covered Court.
Dinaluhan ang naturang seremonya ng ilang local government officials at nina 202nd Infantry “Unifier” Brigade, 1st Infantry Battalion Commander Lt. Col. Danilo Escandor at Southern Luzon Area Police Command Commander Police Lt. Gen. Rhoderick Armamento.
Sa mensahe ni 2nd Infantry Division Commander Maj. Gen. Roberto Capulong, tiniyak nito ang patuloy na pagsisikap tungo sa kapayapaan ng iba mga mga lugaar na apektado ng insurhensya.
Nabatid na una na rito, idineklara ding insurgency free ang mga munisipalidad ng Alabat, Unisan, Gumaca, San Narciso, Perez, at Quezon.