2 myembro ng ‘Bahala Na’ gang, arestado dahil sa pagtutulak ng ilegal na droga

Inaresto ng mga tauhan ng Manila Police District-Station 6 ang dalawang miyembro ng notorious criminal group na ‘Bahala Na’ gang dahil sa pagtutulak ng ilegal na droga.

Nakilala ang mga ito na sina Gerald Agustin, 36-anyos at May Junio, 33-anyos na parehong residente ng San Andres Bukid, Manila.

Natiklo ang dalawa sa pamamagitan ng drug buy-bust operation na ikinasa ng mga otoridad sa bahagi ng Radium at Dagonoy Streets sa San Andres Bukid, Manila.


Nakumpiska kina Agustin at Junio ang mga tatlong sachet ng shabu na nagkakahalaga ng ₱81,600 at ₱500 marked money na ginamit sa operasyon.

Facebook Comments