2 nag-aaway na angkan sa Barira muling nagkaayos!- Lt. Col Pulitod

Natuldukan na ang hidwaan ng dalawang angkan mula sa bayan ng Barira Maguindanao matapos makiisa sa Rido Settlement sa Camp Iranun, sa Headquarters ng 37th Infantry Battalion.

Sinasabing kapwa nangako ang pamilya Yaman at Sumisira na tutugon sa mga pangako na muling magkaayos kasabay ng pagsumpa sa banal na Quran kahapon ayon pa kay 37th IB Batcom Col. Florencio Pulitod Jr. na nanguna sa aktibidad.

Sa naging panayam ng DXMY kay Col. Pulitod, 2014 ng magsimula ang girian ng dalawang pamilya, kapwa may nagbuwis na rin ng buhay mula sa dalawang angkan kung kayat agad na itong inagapan para di na masundan at magkagantihan giit ni Col. Pulitod. Isinuko rin ng mga ito kahapon ang 2 kalibre kurentay singko.


Naging posible ang pagkakaayos ng mga pamilya sa tulong na rin ni Barira Mayor Abdulradzak Tomawis, MILF Officials, Elders at mga Barangay Officials dagdag ni Col. Pulitod.
Kabilang ang RIDO settlement sa prayoridad ng 37th IB sa lahat ng kanilang nasasakupan kabilang na ang Iranun Towns. Tanging bayan pa lamang ng Buldon ang tuluyang naideklarang Rido Cleared habang nagpapatuloy ang pagsisikap para sa iba pang bayan.
File Pic

Facebook Comments