2, naitalang patay sa nasusunog na barko sa Zamboanga del Norte

Dalawang indibidwal ang naitalang patay sa nasusunog na MV Lite Ferry 16 sa karagatang sakop ng Dapitan City sa Zamboanga del Norte.

Ayon kay PCG Commander Armand Balilo, dalawa na ang nasawi sa insidente kung saan isang 60-anyos na lalaki na nakilalang si Danilo Gomez at isang 1 year old na bata na si Chloe Labisig.

Sinabi naman ni Lieutenant Junior Grade Cherry Rose Manaay, ang commander ng Zamboanga del Norte Coast Guard, nagliliyab pa rin ang MV Lite Ferry 16 pero humina na ito.


Aniya, mula nang mai-report sa PCG na nasusunog ang barko ay rumesponde ang nasa tatlo namang barko para tumulong sa rescue operations.

Ang MV Lite Ferry 16 ay galing ng Cebu na papuntang Dapitan City at naireport na may sunog dakong alas-12:30 ng madaling araw.

Nasa 102 na sakay ng MV Lite Ferry 16 na ang na-account na bilang survivors habang tuloy-tuloy naman ang operasyon, dahil nasa 137 ang mga pasahero ng ferry bukod pa sa mga crew.

Sa initial na impormasyon ay nagmula raw sa makina ang apoy pero iniimbestigahan pa rin nila ito.

Facebook Comments